PRRD, bibisitahin ang burol ng mga sundalong namatay sa Eastern Samar

62

Hindi na tuloy ang pakikipagpulong ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magsasaka sa Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Sen. Bong Go, tutungo ang Pangulo sa Eastern Samar para bumisita sa burol ng anim na sundalo na nasawi sa pag-atake ng New Peoples Army (NPA).


Wala namang ibinigay na oras ang Malacañang sa pagbisita ng pangulo sa nasabing lalawigan.

Bukod sa anim na nasawi, dalawampung sundalo pa ang nasugatan sa pag-atake ng rebeldeng grupo.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na-reschedule lamang ang pagbisita ng Pangulo sa mga magsasaka sa North Cotabato.

Facebook Comments

From Advertisers