HINAING NG ILANG PASAHERO SA TERMINAL NG DAGUPAN PAPUNTANG MALASIQUI-BAYAMBANG NA NAKAKARANAS NG STANDING SA ORAS NG PAG-UWI SA GABI, IPINANAWAGAN

Ipinanawagan ngayon ng ilang pasahero na umuuwi ng Malasiqui-Bayambang ang kanilang hinaing na nakakaranas ang mga ito ng standing o pagtayo sa loob ng bus tuwing gabi.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang pasahero na nakakaranas ng standing sa loob ng bus dahil wala ng masakyan pagpatak ng gabi partikular na sa mga oras ng alas-siyete hanggang alas otso ng gabi ay nahihirapan umano sila dahil siksikan na sa loob ng mini bus at ang iba naman ay wala ng magawa kundi tiisin nalang ang siksikan at pagtayo anila, no choice dahil wala ng masakyan anila.
Ang iba naman, tinitiis nalang ang siksikan kaysa magbayad umano sila ng napakalaking bayad sa pag-arkila ng tricycle na umaabot sa 150-250 depende pa sa layo.

Isa pa sa panawagan ngayon ng ilang pasahero na sana umano ay may manatiling sasakyan para isakay ang mga umuuwi ng gabi dahil marami pa umanong umuuwi ng gabi lalo na at nagbalik na sa dating schedule ang mga oras ng mga estudyante tuwing umuuwi.
Sa ngayon, isinangguni na ng IFM Dagupan ang hinaing ng mga pasahero sa mga operators.
Wala pang kumento ang mga operators ng mga mini bus sa naturang terminal. |ifmnews
Facebook Comments