Hinaing ng mga kandidato sa mahigpit na campaign protocols, dapat isapormal – COMELEC

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato na umaalma sa mahigpit na guidelines ng pangangampanya na pormal na sumulat sa komisyon upang matalakay ang naturang isyu.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mananatili pa rin ang inilabas nilang new normal campaign guidelines hangga’t walang inilalabas na bagong resolusyon ang tanggapan.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution 10732 ay bawal sa in-person campaigning ang pakikipagkamay, pagkayap, paghalik, at pakikipag-selfie.


Bukod dito ay ipinagbabawal din ang mass gathering at pamimigay ng pagkain at tubig sa kampanya.

Samantala, nanawagan din ang COMELEC sa mga celebrity endorser na huwag gamitin ang kanilang mga programa sa radyo o telebisyon upang ikampanya ang kanilang mga sinusuportahang kandidato.

Facebook Comments