Naganap ang isang rally sa harap ng City Plaza, sa lungsod ng Dagupan, ng mga estudyanteng napabilang sa City Scholarship kasama ang ilan pang mga magulang ng mga kabataang Dagupeño tungkol sa mithiing maibigay na ang matagal nang hiling ng lahat – ang scholarship.
Nagtipon-tipon ang mga ito sa City Plaza hawak ang kanilang mga cartolina na may sulat kamay tungkol sa kanilang pakikiusap sa pagrelease na ng scholarship.
Ayon sa ilang nakapanayam ng iFM Dagupan, hindi pa raw umano pumirma ang Magic 7 kung kaya’t hindi pa maibigay nang tuluyan ang nasabing scholarship.
Taos puso ring nakiusap si Marieta Varrientos, presidente ng isang organisasyon na kinabibilangan ng mga magulang ng scholars, na naging tagapagsalita sa ngalan ng bawat magulang na may pinapaaral na mga anak, na sana ay ipamahagi na ang scholarship dahil nahihirapan na umano ang mga pamilya ng mga estudyanteng ito sa pangtustos sa kanilang pag-aaral.
Hiling pa ng ibang estudyante na nawa’y mapasakanila na ang pera dahil ipambabayad na ito sa nautang na pinag-tuition nila nitong unang semester.
Samantala, tinalakay sa session ng Sangguniang Panlungsod ang isyu ukol sa Scholarship, at binigyan ng pagkakataon dinggin ang mga hinaing ng mga nag-rally ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments