ISANG OFW MULA SA LUNGSOD NG CAUAYAN, BOLUNTARYONG NAGSUKO NG BARIL

Isang Tanfoglio, Pistol, P19 na may serial no. AB28700 ang boluntaryong isinuko ng isang residente mula sa Tagaran, Cauayan City, Isabela sa mga kasapi ng Cauayan City PS, nitong ika-6 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Kinilala ang nagsuko na si Renny Malaque, 52-taong gulang, may asawa, OFW, at residente ng nabanggit na lugar.

Ang ginawang pagsuko ng baril ng nasabing indibidwal ay dahil sa matagumpay na isinagawang Oplan Katok Bilang Boga ng PNP Cauayan, sa pangunguna ni Police Lieutenant Teodora Quebral.

Nasa pangangalaga na ngayon ng logistic PNCO ng Cauayan City PS ang isinukong baril para sa wastong disposisyon.

Facebook Comments