Iginiit ni Senator Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na magsagawa ng dayalogo sa panig ng Transportation Network Vehicle Services o TNVS.
Ito ay para mapakingganan ang mgahinaing ng TNVS drivers na dahilan ng kanilang ikinasang transport holiday ngayong araw.
Mensahe ni Poe sa LTFRB, kailanganh mabalanse ang kahalagahan na maregulate ang TNVS gayundin ang kahalagahan na mapagserbisyuhan ng mahusay ang publko.
Nirerespeto ni Poe ang mandato ng LTFRB pero kailangang kilalanin din nito ang kakayahan ng TNVS industry na tugunan ang kakulangan ng maayos na transportasyon sa kalakhang maynila para hindi mahirapan ang publiko sa pagbyahe.
Kasbay nito ay nais din ni Poe na malaman kung bakit napagdesisyunan ng LTFRB na hindi sundin ang Memorandum Circular nito noong February 2018 na magbibigay sa TNVS ng tatlong taon para ayusin ang mga problema sa pagproseso at mga requirements nila kung saan magkakaroon din sila sapat na panahon para mabawi ang ipinuhunan.
Katwiran ni Poe, hindi pwedeng paiba-iba ang ipinatutupad na regulasyon ng LTFRB dahil hindi ito patas sa mga mananakay at sa mga namumuhunan.