HINAMON | CHR, nais na matiyak ang safeguards laban sa paglabag sa right to privacy sa ipinasang National ID System

Manila, Philippines -Ngayong ganap nang ipatutupad ang National ID system, hinamon ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno na gawin ang lahat ng pamamaraan na mabantayan ang karapatan sa privacy ng bawat indibidwal.

Ayon kayAtty. Jacqueline De Guia, dapat maproteksyonan ng gobyerno ang abuso laban sa diskriminasyon ngayong magkakaroon na ng access sa mga pribadong impormasyon ng mga mamamayan.

Welcomes naman sa CHR ang national ID law bilang isang hakbang upang mabigyan ang mga mamamayan ng equal access sa pampublikong serbisyo.


Ito aniya ay alinsunod sa obligasyon ng pambansang pamahalaan na mabigyan ng legal identification ang lahat ng kaniyang mga mamamayan.

Facebook Comments