HINAMON | Consumers group, hinamon ang 4 na ERC commissioners na iligtas sa kahihiyan ang Malacañang

Manila, Philippines – Hinamon ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang apat na commissioners ng ERC na sinuspinde ng Office of the Ombudsman dahil sa “neglect of duty” na magkusa nang umalis sa puwesto at huwag nang antayin ang Malacañang na sapilitan silang pababain sa kanilang katungkulan.

Tinawag ni RJ Javellana, presidente ng grupo na makapal ang mukha nina ERC Commisioners Alfredo Non, Gloria Victoria Taruc, Josefina Asirit and Geronimo Sta. Ana.

Ayon kay Javellana, sakaling magkusa ang mga ito na bumitaw ay maililigtas sa tiyak na kahihiyan at pagkasira ng imahe ng ERC.


Aniya, hindi naman nagkukulang ang bansa ng mga mahuhusay na abogado at accountant na maaring humalili sa trabaho ng apat na ERC commissioner.

Magugunita na December 2017 nang ipalabas ng Ombudsman ang suspension order pero, nakapagpalabas naman ang Court of Appeals (CA) ng injunction na nag-uutos na pabalikin sa trabaho ang apat na ERC officials.

Nag-ugat ito sa reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. laban kina Sta. Ana, Non, Asirit at Taruc na inakusahan nila na sangkot sa syndicated estafa.

Facebook Comments