HINAMON | DILG Undersecretary Martin Diño, hinikayat na pangalanan ang lahat na mga kongresistang sangkot sa vote buying

Manila, Philippines – Hinamon ng ilang kongresista si DILG Undersecretary Martin Diño na pangalanan na nito ang mga kongresistang diumano ay sangkot sa vote-buying sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Giit nila Gabriela Party-list Representative Emmi De Jesus at Akbayan Party-list Representative Tom Villarin, dapat mapangalanan ni Diño ang nasa 100 kongresista na sangkot sa vote-buying upang sa gayon ay makasuhan at mapanagot ang mga ito.

Sa halip na puro salita ay agad na kasuhan ni Diño ang mga mambabatas na lumabag sa election laws.


Sinisisi din ng mga kongresista ang ahensya na kung napaghandaan sana ng DILG ang halalan ay maiiwasan sana ang talamak na vote-buying.

Masyado anilang naging tutok ang DILG sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa Federalism at napabayaan ang ibang tungkulin sa katatapos na eleksyon.

Facebook Comments