HINAMON | Gobyerno, pinaghahain ng diplomatic protest dahil sa paglapag ng 2 military plane ng China sa mischief reef

Manila, Philippines – Pinaghahain ng diplomatic protest ni Magdalo Party list Rep. Gary Alejano ang gobyerno dahil sa paglapag ng dalawang military plane ng China sa Mischief Reef.

Babala ni Alejano, oras na lamang ang hihintayin ng mga Pilipino at tiyak na magde-deploy na rin ng fighter aircrafts ang China kung hindi kikilos ang gobyerno.

Ayon kay Alejano, hindi pang-display lamang ang ginawa ng China na military grade airstrip sa mischief reef kundi bahagi ito ng estratehiya ng China para makontrol ang buong South China Sea.


Hindi na rin nasorpresa ang kongresista sa ginawa ng China dahil hindi naman ire-reclaim ang bahurang ito kung hindi gagamitin.

Giit ni Alejano, dapat maghain ng diplomatic protest ang administrasyon sa halip na idepensa pa ang hakbang ng China.

Facebook Comments