Saturday, May 30, 2026

Coordinated inter-agency strategy, pinabubuo sa pamahalaan para maprotektahan ang hanapbuhay ng mga Pilipino

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na magpatupad na kaagad ng coordinated inter-agency strategy para maprotektahan ang hanapbuhay ng mga Pilipino na nahaharap ngayon sa krisis.

Ayon kay Gatchalian, bahagi ito ng short-term proposals na binuo ng PROTECT ad hoc committee na layong mapangalagaan ang trabaho at makapagbigay ng suporta sa mga maliliit na negosyo.

Ipinunto ng senador na ang mataas na presyo ng produktong petrolyo ay maaaring magtrigger sa maraming lay-offs at freeze hiring lalo na sa mga sector ng transportasyon, enerhiya at delivery.

Inirekomenda ng ad hoc committee na maglaan ng concessional credit para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at pansamantalang tulong sa operasyon ng mga sektor na lubos na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

Tinukoy din ng mambabatas na maaaring gamitin ng gobyerno ang ₱1.965 billion na hindi pa nagagastos na pondo ng Department of Trade and Industry para sa nga programa sa mga MSMEs sa ilalim ng 2026 budget at ang 2025 continuing appropriations para sa mga programang pangsuporta sa MSMEs.

Facebook Comments