Manila, Philippines – Nagbanta ng tigil-pasada ang ilang transport groups kung hindi pagbibigyan ang hiling nilang taas-pasahe sa loob ng isang linggo.
Giit ni Fejodap National President Zenaida Maranan, ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin ang dahilan kaya dapat itaas na sa P12 ang minimum na pamasahe sa pampasaherong jeep.
Sabi naman ni Pasang Masda President Roberto Martin, matatanggap nila kahit magkano ang itaas ng mapasahe basta maibigay ito sa loob ng isang linggo.
Pero giit ni LTFRB Chairman Martin Delgra, na kailangan nilang balansehin ang interest ng mga pasahero at mga driver.
Umaasa rin ang LTFRB na hindi itutuloy ng mga transport group ang tigil pasada.
Facebook Comments