RESIGNED | Pagbibitiw ni Uson, hindi sapilitan – Malacañang

Manila, Philippines – Nilinaw ng MalacaƱang na walang pumilit kay Mocha Uson na magbitiw bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, noong Martes pa inabot ni Uson ang kanyang resignation letter bagay na tinanggap naman agad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi irrevocable resignation ang isinumite ni Uson at siya na rin mismo ang nagsabi na ayaw na niyang maging pabigat pa sa administrasyon.


Nagpaabot rin ng pasasalamat ang MalacaƱang sa serbisyo at suportang ibinigay nito sa Pangulo.

Facebook Comments