HINAMON | Labor Sec. Silvestre Bello hinamon ang mga kritiko na magsampa ng kaso laban sa kanya

Manila, Philippines – Hinamon ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kritiko nito na magsampa na lamang ng kaso laban sa kanya.

Ayon kay Bello kilala na niya ang nasa likod ng demolisyon job laban sa kanya inihalintulad pa nito na kung sa paraiso ay may ahas, sa DOLE pa kaya. baka umano cobra pa.

Paliwanag ng kalihim na papangalanan niya sa tamang panahon ang mga nasa likod ng paninira laban sa kanya na interesado sa kanyang posisyon.


Ayon sa source isang opisyal ng DOLE at opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang nasa likod ng demolition job laban sa kanya.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na buo ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulong duterte kay Bello.

Ito ay kahit na idinadawit sa kontrobersiya si Bello kaugnay sa kwestyunableng i-DOLE card.

Nauna nang sinabi ni Bello na libre ang i-DOLE card na magsisilbing all-in-one I.D ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaring gamitin sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Facebook Comments