HINAMON | Malacañang, dismayado sa resolusyon ng European Government sa panawagang itigil na ang EJK sa bansa

Manila, Philippines – Dismayado at nalulungkot ang Malacañang sa resolusyon ng European parliament na nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na ang extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang resolusyon ng European parliament ay isang kaso ng pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.

Dahil dito, hinamon ni Secretary Roque, European parliament na maglabas ng ebidensya sa sinasabi nitong 12,000 napatay sa anti-drug war ng Duterte Administration.


Nabatid na hiniling ng European parliament sa Pilipinas na palayain na si Senadora Leila De Lima na nakakulong dahil sa pagkakasangkot sa Bilibid drug trade.

Pero sinabi ni Roque na pinagtibay na ng Korte Suprema ang pag-aresto at pagkulong kay Senadora De Lima dahil sa kaso nito hinggil sa illegal drugs.

Facebook Comments