Public hearing tungkol sa usaping trapiko isinagawa kahapon

*Naglatag ng kani-kanilang suhesyon at rekomendasyon ang mga dumalo kahapon sa ipinatawag na Public Hearing ng Commiittee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod na pinangunahan ni Councilor Eduardo Rabago.*
*Dumalo si City Public Safety officer retired Chief Supt.Rolen Balquin, mga kinatawan ng DPWH at ng Contrator ng rehabilitasyon ng Quirino bridge, TMU, TMC, barangay officals at iba pa.*
*Inihayag ni Councilor Rabago, na hindi sila naabisuhan sa Sangguniang Panlungsod sa 3 days closure ng Quirino bridge at nagulat na lamang sila ng inulan na ng batikos.*
*Sa public hearing kahapon, nagpresenta ng kanilang rekomendasyon si Balquin sa SP kung anu ang posibleng daanan kung sakaling mag-umpisa na ang retrofitting ng Quirino brridge.*

Facebook Comments