Manila, Philippines – Hinamon ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña ang mga Pinoy Inventors na ipakita ang kanilang mga inventions at pakikinabangan ng taongbayan.
Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Secretary Dela Peña na dapat maging malikhain ang mga Pilipino at ihayag ang kanilang mga inventions upang pakinabangan ng mga Pilipino ang kanilang mga inventions.
Paliwanag ni Filipino Inventors Society President Francisco Pagayon na kulang sa suporta ang kanilang mga inventions kaya at hindi napakikinabangan ang kanilang mga magagandang inventions.
Giit ni Dela Peña kung talagang magagaling ang mga Pilipino inventors dapat na ipakita o patunayan nila kung papaano ang kanilang mga inventions.
Inihalimbawa ng kalihim na mayroon siyang kilala na nakapag imbento ng antibiotic na tinawag na I Luzon isang antibiotic na galing sa Iloilo kung saan ang kanyang invention ay galing sa ilalim sa dagat kung saan maraming organism sa ilalim ng dagat na pwedeng maging antibiotic na hindi nakikita ng taongbayan kung papaano ito pakikinabangan bilang isang gamot.