HINAMON | Rape case ng isang police officer sa kapwa pulis, dagok sa kredibilidad ng PNP

Hinamon ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine National Police (PNP) na kondenahin at aksyunan agad ang rape incident na naganap sa loob ng joint maritime law enforcement training center sa Puerto Princesa.

Ginawa ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia ang pahayag bilang reaksyon sa panghahalay ng isang training officer sa isang babaeng pulis.

Ayon kay De Guia, nakakakilabot na marinig na magagawa ito ng isang police officer sa kaniyang kapwa pulis na nasa mababang posisyon.


Isa aniya itong pangit na pangitain sa PNP na inaasahang mangunguna sa pagtatanggol sa karapatang pantao partikular laban sa abuso sa mga kababaihan.

Nanawagan ang CHR sa pamunuan ng PNP na aksyunan ang pangyayari at tiyakin na maisama ito sa kanilang internal cleansing efforts sa kanilang hanay.

Facebook Comments