HINAMON | Robin Padilla, Pinalalabas sa Senado si Trillanes para harapin ang kanyang kaso

91

Manila, Philippines – Dalawang araw matapos pumutok ang balitang pagbawi ng Malacañang sa amnestiyang ipinagkaloob kay Sen. Antonio Trillanes IV, muling bumalik ang aktor na si Robin Padilla sa labas ng Senado upang abangan ang paghahain ng arrest warrant sa Senador.

Ayon kay Padilla, simula sa panahong kinudeta ni Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio, wala pang na-prosecute o naparusahan nang dahil sa kudeta.

Kaya naman umaasa aniya siya na ngayon ay mas mananaig na ang batas at maparusahan kung may dapat parusahan.

Kasabay nito inalmahan din ni Padilla ang pagtawag sa kanya ni Trillanes na mistulang bata o high school.

Hinamon rin ni Padilla si Trillanes na lumabas na sa Senado at patunayang wala siyang sala.

Sa ngayon, walang paggalaw ang mga tauhan ng CIDG na nakaabang lamang sa labas ng Senado.

Facebook Comments