HINAMON | Sen. Drilon, hinamon si Sen. Lacson na pangalanan ang mga senador na nag-alok ng ‘pork parking’

Manila, Philippines – Hinamon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Senador Panfilo Lacson na pangalan ang staff ng isang senador na umano ay nag-alok ng “pork parking” sa isang mambabatas sa House of Representatives.

Ayon kay Drilon, sana ay sabihin ni Lacson kung sino ang nasabing staff para hindi lahat mapagbintangan.

Una nang ibinunyag ni Lacson na may isang staff ang senador na nais magpalaan ng proyekto sa isang kongresista para mapondohan sa ilalim ng proposed 2019 national budget.


Facebook Comments