Hinarang ng kapulisan na suspected Abu Sayyaf member sa Cebu, ‘false alarm’ o hindi tunay na miyembro ng bandidong grupo

Manila, Philippines – Bahagyang nagkaroon ng tensyon sa bayan ng Balamban, Cebu matapos harangin ng mga pulis ang isang pampasaherong van na sinasakyan ng isang suspected Abu Sayyaf member.

Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office 7, sinabi ni Supt. Jaime Quicho ng Police Community Relations Officer, false alarm at hindi Abu Sayyaf member ang lalaking inimbitahan ng mga otoridad na sumama sa kanilang sa presinto.

Napag-alaman kasi na nagpunta sa doktor ang hinihinalang Abu Sayyaf member dahil sa kanyang sakit na Sexually Transmitted Disease (STD).


Ang nasabing lalaki ay galing pa sa Lanao Del Sur ayon sa ulat ng PNP.

Napagkamalan aniya ng ilang mga nakakita na miyembro ng Abu Sayyaf ang nasabing lalaki dahil mayroon itong sugat sa paa na inakala nilang tama ng bala.

Sa pagtatanong ng mga pulis, napag-alamang isang lehitimong negosyante ng mga RTW sa Lanao Del Sur ang naturang lalaki at nagpunta siya sa Cebu para ipagamot sa isang espesyalista ang kanyang sakit.
Nation

Facebook Comments