Pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Antique, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Antique bukas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang personal na makaharap ang mga manlalaro ng bansa dahil mayroon siyang importanteng mensahe para sa mga ito.

Ayon kay Education Asec. Tonisito Umali, unti-unti nang dumadagda ngayon sa Antique ang mga delegado na kalahok sa palarong pambansa.


Kabilang sa mga larong kasama sa palarong pambansa ang arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Bagong makakasama naman sa sports events ngayong taon ang wushu, wrestling, futsal at billiards.

Matatapos ang Palarong Pambansa sa April 29.
Nation

Facebook Comments