Idineklara na ang State of Calamity sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Kasunod na rin ito ng malawakang pinsala sa buong munisipalidad ng Hinatuan matapos ang pagtama ng magnitude 7.4 na lindol noong Sabado ng gabi.
Batay sa Hinatuan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naapektuhan ng lindol ang Hinatuan kung saan aabot na sa ₱10.5 million ang naitalang pinsala sa mga pampublikong imprastraktura habang nasa ₱88.5 million na ang halaga ng mga bahay na napinsala.
Pumalo na rin limang milyong piso ang nasira sa sektor ng agri-fishery o katumbas ng 95% ng kabuuang seaweed farms.
Sa ngayon ay umabot na sa dalawa ang kumpirmadong patay at 12-sugatan sa pagyanig.
Nasa mahigit 200,000 indibidwal naman ang naapektuhan ng lindol kung saan karamihan dito ay mula sa 144 na barangays sa bansa.