Hinatulan ng guilty ng Korte ang isang miyembro ng Maute-ISIS group na sangkot sa Marawi Seige

Ang hatol ng Taguig Regional Trial Court Branch 70 laban kay Junaid Macauyag Awal ay para sa kasong rebelyon at paglabag sa International Humatirian Law.

 

Hinatulan ng Korte si Awal ng Reclusion Perpetua o  hanggang apatnapung taong pagkakakulong.

 

Sinampahan ng kasong rebelyon si Awal noong November 6, 2017 dahil sa pagiging aktibong miyembro ng Maute-ISIS na umatake sa marawi City.


 

Itinuro si Awal nang mag-inang testigo na naging hostage nila sa loob ng Limang buwan bago nakatakas.

 

Kinasuhan din si Awal ng paglabag sa International humanitarian Law at Crimes against Humanity dahil ginawa nitong sex slave ang menor na edad na isang sibilyan.

 

Bukod sa hatol na Reclusion Perpetua, pinagmumulta rin ang akusado ng kalahating milyong piso.

Facebook Comments