Lakers, lalo pang nameligrong makatungtong ng playoffs matapos padapain ng Raptors

79

Lalo pang nameligro ang Los Angeles Lakers na makapasok sa playoffs matapos silang ilampaso ng Toronto Raptors, 98-111.

 

Nasayang ang 29 points ni Lebron James para sa Lakers na anim na beses nang bigo sa loob ng pitong laro.

 

Nanguna naman sa Raptors si Kawhi Leonard na nagpakawala ng 25 points at 20 points mula kay Norman Powell.

 

Sa iba pang laro, wagi ang Boston Celtics kontra Sacramento Kings, 126-120.

 

Habang nakapagtala ng come from behind win ang Indiana Pacers kontra sa dumayong Oklahoma City Thunder, 108-106.

Facebook Comments