HINATULAN | Sereno, pinatawan ng reprimand ng SC

Manila, Philippines – Pinatawan ng reprimand ng Korte Suprema si Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Lumabas ang desisyon sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc

Nag-ugat ang pagpapataw ng disiplina kay Sereno dahil sa paglabag sa Code of Professional Responsibility at Code of Judicial Conduct at pagsuway sa sub judice rule.


May kinalaman ito sa pagbibitiw ng maanghang na salita ni Sereno laban sa mga mahistrado ng kataas taasang Hukuman noong kasagsagan ng pag usad ng quo warranto petition laban sa dating punong mahistrado.

Facebook Comments