UMAASA | Senator Ejercito, tiwalang maisasabatas na ang Universal Health Care bill

Manila, Philippines – Malakas ang pag-asa ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejecito na maisasabatas na sa madaling panahon ang inihain niyang Universal Health Care bill.

Pahayag ito ni Ejercito, makaraang sertipikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na panukala bilang urgent o dapat maipasa agad.

Nakasaad sa panukala ni Ejercito ang otomatikong pagsailalim ng lahat ng pilipino sa National Health Insurance Program or PhilHealth.


Ayon kay Ejericito, tiyak na mapapakinabangan ito ng mga mahihirap na Pilipino na nakatira sa malalayong lugar sa Pilipinas at hindi nakakatanggap ng serbisyong pangkalusugan mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Ejercito, napakahalaga ng malusog na mamamayan sa pag-unlad ng isang bansa.

Facebook Comments