HINAY-HINAY LANG | Pagpapapasok ng 3rd telco player sa bansa, dapat munang pag-isipan

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Minorya sa Kamara si Pangulong Duterte na maghinay-hinay sa pagpapapasok ng 3rd player telecommunication company sa bansa.

Ito ay dahil malaki ang posibilidad na maging banta sa seguridad ang pagpapasok ng 3rd player mula sa ibang bansa.

Inihalimbawa ni House Minority leader Danilo Suarez ang Estados Unidos na hindi pinapasok ang mga telcos ng China tulad ng Huawei at ZTE dahil sa nakuha nilang intelligence report na threat ito sa kanilang national security dahil sa posibleng pag-eespiya.


Bagamat maganda aniya ang ideya sa pagtanggap ng 3rd player telco sa bansa dahil dismayado na ang mga Pilipino sa mabagal na internet, nagbabala si Suarez na dapat pa ring mag-ingat dito.

Nilinaw naman ni Suarez na wala silang plano sa Minorya na harangin ang pagpasok ng bagong player sa bansa pero kanilang hihilingin sa Committee on National Defense and Security na suriing mabuti ang nasabing isyu lalo’t nakasalalay dito ang national security ng bansa.

Mainam aniyang pag-aralang mabuti dahil bukod sa hindi siguradong ligtas ay gagastos ang pamahalaan ng 50 Billion sa pagpapatayo lamang ng mga bagong cell sites.

Facebook Comments