KAPALIT | COMELEC Chair Sharif Abas, inendorso ulit sa CA; PCSO, may bagong miyembro ng Board of Director

Manila, Philippines – Muling inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Appointment (CA) si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Shariff Abas.

Ito ay matapos hindi makumpirma si Abas ng makapangyarihang CA dahil inabutan ito ng recess ng sesyon Kongreso noong nakaraang taon.

Matatandaan na unang inendorso ng Pangulo si Abas noong Nobyembre sa CA bilang Chairman ng COMELEC kapalit sa nagbitiw na si Andres Bautista.


Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte bilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO si Anselmo Patron Pinili na siya namang pumalit sa nagbitiw na si Jose Jorge Corpuz pero wala pa rin namang iniendorso si Pangulong Duterte sa Board of Directors ng PCSO bilang Chairman nito.

Facebook Comments