Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kakausapin niya si Pangulong Rodrigo Duterte at sasabihin dito na maghinay-hinay lamang sa pagsasalita o biro patungkol sa mga kababaihan.
Ito ang sinabi ni Roque sa harap na rin ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso at sa harap na rin ng mga biro ni Pangulong Duterte na hindi nagugustuhan ng ilang grupo.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na dapat barilin ang maseselang bahagi ng katan ng mga babaeng miyembro ng New People’s Army o NPA na inulan ng batikos.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi naman literal ang sinasabi ni Pangulong Duterte dahil pang-aasar lang ito sa mga babaeng NPA na patuloy na umaatake sa pag-atake sa puwesa ng gobyerno.
Sinabi din ni Roque na bilang Presidential Adviser on Human Rights ay papayuhan nito ang Pangulo sa susunod na sila ay magkita.