HINDI AAKYAT | Pacquiao – dapat bumaba sa Lighweight division kung nais makalaban si Lomachenko

Wala raw balak na umakyat sa Welterweight si WBA Lightweight Champion Vasyl Lomachenko para makaharap si Pinoy Boxing Legend Manny Pacquiao.

Ayon sa manager ng Ukrainian boxer na si Egis Klimas – kung gustong makalaban ni Pacquiao si Lomachenko, dapat na bumaba siya sa Lightweight Division.

Kung hindi ito tatanggapin ni pacquiao, magiging malamig aniya sila sa ideyang Pacquiao-Lomachenko Fight.


Nauna nang binanggit ng Fighting Senator na bukod kay Lomachenko, napipisil din niyang makalaban sa ring sina Terence Crawford at Amir Khan.

Facebook Comments