Hindi agad pagpapatawag ng trial sa impeachment case ni VP Sara Duterte, maaaring kwestyunin sa Korte Suprema

Posibleng kwestyunin sa Korte Suprema ang hindi agad pagpapatawag ng Senado ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, batay sa utos ng Konstitusyon, dapat na magdaos ng paglilitis ang Senado kapag natanggap na ang articles of impeachment mula sa Kamara.

Maaari aniyang dumulog sa Supreme Court para sa declaratory relief upang hingan ng kahulugan ang salitang “forthwith” sa impeachment trial na ang ibig sabihin naman ay kaagad.


Paliwanag ni Tolentino, sa ngayon ay nasa constitutional limbo ang impeachment process dahil malaking kwestyon ngayon ay kung kailan dapat magsimula ang paglilitis at kung mayroon ba talagang hurisdiksyon ang 20th congress sa articles of impeachment na isinampa ngayong 18th congress.

Naunang sinabi ni Senate President Francis Escudero na idaraos na pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ang impeachment trial dahil kukulangin na ang panahon sa pagbabalik sesyon sa Hunyo 2 na tatagal lamang hanggang Hunyo 30.

Facebook Comments