HINDI AKO MAGBIBITIW | LTO Chief Galvante, hindi magre-resign

Manila, Philippines – Nanindigan si Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante na hindi magbitiw sa pwesto.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign na si Chief Edgar Galvante kung hindi niya kayang gawin ang kaniyang mga tungkulin kaugnay sa isyu ng pagpapalabas ng plaka ng mga bagong sasakyan.

Sa interview ng Radio Mindanao Network (RMN), sinabi ni Chief Edgar Galvante na may sariling pananaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez at kanya itong iginagalang.


Pero ayon sa LTO chief – tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kanyang susundin sa usapin ng kanyang pagbibitiw.

Iginiit din ni Chief Edgar Galvante na ginagawa nila ang lahat ng paraan para matugunan ang problema sa plaka kung saan may mga license plates na pagsapit ng unang quarter ng 2018.

Samantala, muli namang binuhay ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang paglaban sa walang katapusang problema sa fixers.

Facebook Comments