Hindi bababa sa 10 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang dalawang kamag-anak ni ASG Leader Radullan Sahiron ang napatay sa bakbakan ng militar sa Patikul, Sulu.
Habang nasa 18 sundalo naman ang sugatan sa dalawang oras na engkwentro.
Ayon kay AFP – Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Army Colonel Cirilito Sobejana, nagsasagawa noon ng rescue operations ang militar para mapalaya ang nasa 31 kidnap victims ng ASG ng makaharap nito ang nasa 120 na armadong miyembro ang bandidong grupo.
Dahil sa air assets at artillery power ng militar ay nagpulasan din sa iba’t ibang direskyon ang mga bandido dala-dala ang kanilang mga namatay na kasamahan.
Sa 31 hostage ng ASG, 12 rito ay Vietnamese nationals, isang Dutch national, pitong Indonesians, anim na mga Pilipino at limang Malaysians.