Hindi bababa sa 12 pinoy na pinaghihinalaang terorista, arestado sa Sabah, Malaysia

Arestado ng Malaysian Authorities ang hindi bababa sa labingdalawang pilipinong pinaniniwalaang terorista o protektor ng mga terosta sa Sabah.

 

Ayon kay Malaysian Police Insp. Gen. Tan Sri Mohammad Fuzi Harun, nadakip ang mga pinoy sa Semporna at Tambunan sa ikinasang anti-terrorism operations ng mga otoridad.

 

Pinaghihinalaan umano silang miyembro ng mga Abu Sayaf Group, Maute Group at Royal Sulu Force.


 

Habang ang iba ay pinaniniwalaang recruiter ng mga nabanggit na teroristang grupo.

Facebook Comments