Hindi bababa sa anim na phreatic o steam-driven eruption ang naitala sa Bulkang Taal simula nitong Biyernes hanggang ngayong araw ng Linggo.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng 13 minuto ang isa sa mga naitalang pagsabog, habang nito namang Sabado ay nagbuga ng nasa 4,709 na toneladang sulfur dioxide o asupre ang bulkan na tumagal ng apat na minuto.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 1 sa bulkan kung saan ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island partikular sa Main Crater at Daang Kastila fissures.
Ipinagbabawal din sa mga aircraft ang paglipad malapit sa bunganga ng bulkan.
Facebook Comments