“Dangerous level” ng heat index, posibleng maitala sa siyam na lugar sa bansa bukas

Inaasahang makapagtatala ng 42°C hanggang 43°C na “dangerous level” ng heat index o damang init ang siyam na lugar sa bansa bukas, araw ng Lunes.

Base sa monitoring ng PAGASA-DOST, kabilang sa mga posibleng makaranas ng 43°C na heat index ang Dagupan City, Pangasinan, Aparri at Tuguegarao City sa Cagayan at Aborlan, Palawan.

Habang 42°C naman sa Echague, Isabela, Puerto Princesa City, Palawan, Roxas City, Capiz, Zamboanga City at Cotabato City.


Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C degree celsius at possible itong magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

Facebook Comments