HINDI BASTA-BASTA | Kagustuhan ni Pangulong Duterte na armasan ang mga barangay officials, hindi maaring basta na lang ipatupad – Sen. Ping Lacson

Manila, Philippines – Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi ganun ka-simple at kadali ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga opisyal ng barangay.

Paliwanag ni Lacson, may mga batas at proseso na dapat isaalang alang bago ito maipatupad.

Ayon kay Lacson, kung sa gobyerno manggagaling ang mga baril ay dapat munang maipaloob sa general appropriations act na inaaprubahan ng kongreso taun taon ang pondo para dito.


Sinabi ni Lacson na kung ang mga barangay officials naman mismo ang bibili ng kanilang baril ay kailangan nilang mag-apply ng lisensya at permit to carry firearms.

Kasama din sa proseso ang pagsailalim sa neuro psychiatric tests, gun safety seminar, at iba pa base sa regulasyon ng Philippine National Police at sa itinatakda ng inamyendahang Presidential Decree 1866.

Facebook Comments