Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na hindi tinanggalan ng police security si Sen. Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Albayalde – wala siyang ibinabang utos para tuluyang tanggalin ang security escorts ni Trillanes dahil nag-expire lamang ang kontrata ng mga ito at kailangan lamang i-renew.
Sisilipin ni Albayalde ang mga detalye ng ulat kasama ang direktor ng PNP-Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) dahil dadaan pa rin umano ito sa proseso.
Nangako naman si PNP-PSPG Director S/Supt. Filmore Escobal na susuriin muli nila ang desisyon kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para makumpirma ang mga detalye.
Facebook Comments