SINUPORTAHAN | Pagtanggal ng 2 security escorts kay Sen. Trillanes, suportado ng Malacañan

Manila, Philippines – Dinipensahan ng Malacañan ang hakbang ng Philippine National Police na bawasan ang police security escorts ni Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – apat lamang ang pinapayagang security detail para isang VIP kaya walang kontrobersiya sa desisyon ng PNP na alisin ang dalawang police escorts ng Senador.

Hayaan na aniya ang PNP na gawing ligtas ang mga komunidad at gamitin ang mga ni-recall na pulis sa pagbabantay sa mga lansangan.


Nabatid na sinabi ni Trillanes na walang paliwanag ang PNP at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-recall sa kanyang security detail.

Paliwanag ng PNP-Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) Director Supt. Filmore Escobal, hindi na ni-renew ng PNP ang assignment ng police escorts kay Trillanes dahil mayroon na itong anim, kung saan dalawa mula sa militar, dalawa mula sa Philippine Navy at dalawa rin mula sa Senado.

Facebook Comments