Manila, Philippines – Hindi “solid” o buong-buo na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense.
Ito ang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV sa harap ng umano ay panggigipit sa kanya ng Pangulo.
Inamin ni Trillanes na may natatanggap pa rin siyang suporta mula sa mga aktibong opisyal ng militar gaya ng pagbibigay sa kanya ng mga dokumento para sa kanyang depensa.
Tumanggi naman si trillanes na ilahad kung sino ang mga sundalong tumutulong sa kanya.
Pero naniniwala raw siya na kusang kumikilos ang mga ito dahil nababahala rin sila sa pagbawi ng amnestiyang ibinigay sa kanya na maaari rin daw mangyari sa iba pang may kahalintulad niyang sitwasyon.
Nauna nang sinabi ng malacañang na hindi pamumulitika ang pagbawi ng amnestiya ni Trillanes sa halip ay pagpapatupad lang sa batas.