Para sa mga botanteng Pilipino, mahalaga ang pagiging hindi “corrupt”.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Private Think Tank Stratbase ADR Intstitute – 25% ng mga respondents ang mas gusto ang “hindi corrupt” na kandidatong tumatakbong senador.
Pumangalawa ang mayroong malasakit sa mga mahihirap na nakakuha ng 22%, sumunod ang mayroong magandang personal na katangian o “good personal characteristics” na nakapagtala ng 21%.
Isa rin sa hinahanap ng mga botante ay kung mapagkakatiwalaan ang isang kandidato na mayroong record na 21 percent.
Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 respondents sa buong bansa.
Facebook Comments