Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Trade and Industry (DTI) na tataas ng higit piso ang presyo ng mga delatang sardinas. Ayon kay DTI Provincial Director Ceferino Rubio – dahilan ng pagtaas ay ang pag-akyat ng production cost. Isa rin sa dahilan ay ang paghamal ng presyo ng langis at ‘tamban’ (herring – raw material sa produksyon ng delatang sardinas). Iginiit ni Rubio – hindi ito epekto ng ipinatutupad ng Tax Reform for Acceleration And Inclusion (TRAIN) Law. Sa tantya ng DTI, aabot sa P1.12 kada lata ang imamahal sa katapusan ng buwan o sa Abril. Ang kasalukuyang presyo ng sardinas ay tinatayang mula P12.50 hanggang 15 pesos kada lata sa supermarket. Samantala, inanunsyo na rin ng DTI na tumaas na rin ang presyo ng mga minatamis na inumin simula noong Enero dahil sa TRAIN Law.
HINDI DAW DAHIL SA TRAIN LAW | Presyo ng delatang sardinas, tataas ng higit piso – DTI
Facebook Comments