PILIPINONG PANGALAN | 5 undersea features ng Philippines Rise, papangalanan na – Senator Gatchalian

56

Manila, Philippines – Magbibigay na ang Pilipinas ng sarili nitong pangalan sa limang undersea features ng Philippine Rise. Ito ay para palitan ang mga pangalang ibinigay ng China. Ayon kay Senate Economic Affairs Committee Chairman, Sen. Sherwin Gatchalian – ang Filipino names ay irerekomenda ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA). Pagkatapos nito, ibibigay ang mga pangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte para bumuo ng Executive Order na pormal na magpapangalan sa mga underwater features. Ang Senado at Kamara ay maglalaan ng 120 milyong piso para sa development ng Philippine Rise.

Facebook Comments