Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na hindi minamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng EDSA people Power 1.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ito kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang katotohanan na minamaliit o isinasantabi ng pamahalaan ang nasabing selebrasyon.
Paliwanag ni Roque, nanatiling national holiday ang February 25, ginagamit pa rin naman ang pondo ng taumbayan sa pagdiriwang nito kaya walang dahilan para sabihin na isinasantabi ito ng administrasyon dahil batay sa batas at sa ginagawa ng pamahalaan ay ipinagdiriwang pa rin naman ang EDSA 1 dahil ito ay isang historical event ng bansa.
Sinabi din naman ni Roque na walang nangyayaring historical revisionism dahil mismong National Historical Commission ang responsible sa annual commemoration ng EDSA 1.