HINDI IIMBESTIGAHAN | Senado, walang planong imbestigahan ang balitang pakikialam ng ilang local government officials sa katatapos na Barangay elections

Manila, Philippines – Para kay Senate President Koko Pimentel, hindi na kailangang kumilos pa ang Senado para imbestigahan ang umano ay pakikialam ng ilang opisyal ng local government units sa katatapos na Barangay elections.

Tugon ito ni Pimentel sa report na may halos 100 Kongresista, mahigit 1-libong mga Gobernador at Alkalde ang umano ay nagmaniobra ng pamimii ng boto at panghaharass para mapaboran ang kanilang mga naging kandidato sa brgy. elections.

Diin ni Pimentel, hindi ang Senado, kundi ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang dapat umaksyon hinggil dito base sa mga ebidensyang hawak nito.


Umaasa si Pimentel na kakasuhan ng DILG ang nabanggit na mga incumbent officials para matututo ang mga ito ng leksyon at hindi na maulit ang kanilang ginawa sa mga susunod na eleksyon.

Facebook Comments