Manila, Philippines – Tiwala ang gobyerno na walang masamang intensyon ang China sa kabila ng pag-amin nito ng resobnableng pagpapalawak ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque III, hindi naman inaangkin ng Pilipinas ang kabuuan ng pinag-aagawang teritoryo kaya mahalagang malaman kung saan partikular ang ipinagagawa ng China.
Sa ulat ng China’s National Maritime Data and Information Service, lumawak na ng 290,000 metro kwadrado ang construction project ng China kasama na ang mga radar facility nito.
Muli ring nanindigan ang China na maaari nitong gawin ang anumang naisin nito sa teritoryo nito.
Facebook Comments