HINDI INATAKE | 7 patay matapos bumagsak ang isang US helicopter sa Iraq

Iraq – Pitong service members ang patay matapos na bumagsak ang isang US
helicopter sa Western Iraq.

Sa inilabas na statement ng Pentagon, hindi ito dahil sa pag-atake ng
kalaban pero inaalam pa nila kung ano ang dahilan ng pagbagsak nito sa
bahagi ng Qaim sa Anbar Province.

Ang nasabing helicopter ay ginagamit ng US Air Force para sa combat search
and rescue.


<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments