Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maibigay ang dapat na matanggap ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pangtao noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naibigay na ng Gobyerno ang compensastion sa mga human rights victims sa pamamagitan ng Human Rights Victims Claims Board habang ang umanoy nakaw na yaman ng mga marcos naman ay patuloy na binabawi sa pangunguna ng Philippine Commission on good government.
Tiniyak ni Roque na ginagawa at gagawin ng gobyerno ang lahat upang magkaroon ng closure ang mga naging biktima ng Martial Law.
Naiintindihan naman aniya nila ang naging pahayag ni Governor Imee Marcos na dapat ay mag move ang mga Pilipino sa Martial Law.
Sinabi ni Roque, handa naman ang Administrasyong Duterte na makipatulungan sa lahat para sa mamamayan at binuksan ni Pangulong Dutert ang pintuan ng kangyan gobyerno sa lahat nang hindi tinitingnan ang affiliation o paniniwala ng mga ito upang mapagisa ang bansa at maging daan ng ating pagunlad.