HINDI KAAWAY | Simbahan, iginiit na hindi sila kalaban ng pamahalaan

Manila, Philippines – Iginiit ni CBCP Vice President Bishop Pablo Virgilio David na hindi kaaway ng pamahalaan ang Simbahan. Ang pahayag na ito ay bunsod ng naging pahayag ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque na posibleng ilang lider ng Simbahan ang nakikipag ugnayan sa mga rebeldeng grupo upang patalsikin sa pwesto ang Pangulo.

Ayon kay Bishop David, hindi dapat ituring na kaaway ng pamahalaan ang kanilang hanay dahil hindi naman sila political leaders at mas lalong hindi rin sila kalaban ng gobyerno.

Bagkus, partner pa aniya sila ng pamahalaan.


Hindi na rin aniya nila sasagutin pa ng pagkamuhi ang mga insulto sa social media, at nanawagang muli ang mga ito sa mga mananampalataya na ipanalangin na lamang ang mga kumukutya sa simbahan.

Facebook Comments